Pahayag ni Dr. Arhtur P. Cassanova sa ginawang pagtatanghal ng St. Anne Theater and Dance Company ng Daan ng Dalamhati kinuha mula sa kanyang FB account
MAGANDA AT MAKABULUHANG DULANG PASYON
Produksyon ng St. Anne & Dance Company na nakabase sa Taguig City, ang dulang pasyong "DAAN NG DALAMHATI" ay sa ilalim ng direksyon ni Nina Manalo. Itinanghal sa Archdiocesan Shrine of St. Anne, Sta Ana, Taguig noong ika-22 ng Marso, 2016.
Tunay na maganda at makabuluhan ang naturang produksyon ng dula-sayaw-awit hinggil sa buhay, pagpapakasakit, kamatayan, at pag-akyat na mag-uli sa langit ni Hesukristo. Napakahusay ng direksyon at koryograpiya. Magagaling ang mga artista, mananayaw, at mang-aawit. Lahat ng aspekto ng produksyon ay tunay na kahanga-hanga - kasuotan, ilaw, special effects, atbp.