Latest news and information on arts, music, culture, dance,etc....plus stories & adventures of pinoy artists...

Labels

August 19, 2015

Tula-tulaan ni Frank. G. Rivera - August 20, 2015


"Kay FPJ ang Agosto 20" Ngayo'y kaarawan ng isang Alamat/ Pinilakang-Tabing kahariang hawak/ Fernando Poe, Jr. ang dalang pangarap/ Mga inaapi'y iahon sa lusak.// Pinanday ng Sining ang katauhan mo/ Na nagsilbing gabay sa maraming tao/ Mga tagahangang ikaw ang idolo/ FPJ, bida ka, bilib kami sa 'yo.// Hindi nga totoo na ika'y pumanaw/ Kahit nawala ka sa mundong ibabaw/ Naiwang pamana ay napakalinaw/ Katarungan lagi ang isinisigaw.// Sandatang pinanday, aming gagamitin/ Laban sa halimaw na dapat supilin/ Ipagpapatuloy ang iyong layunin/ Buhay-pelikula ay tototohanin.// Hindi kailanman ikaw napataob/ Dahil ang tumalo ngayo'y nakasubsob/ Ang mga bathala, sa 'yo nakalukob/ At nanatili kang mababa ang loob.// Ipagpapatuloy laban ng Alamat/ Mahika mong hawak minana ng anak/ Sana'y ipangako na maiaangat/ Bayang hindi sanay sa daang pabagsak./// (Tula-tulaan ni FrankG.Rivera.)

No comments:

Post a Comment

Interesting Blogs