Malugod
na itatanghal ng Philippine Centre of the International Theatre
Institute (I.T.I.), isang World Performing Arts na organisasyon sa
ilalim ng pagtangkilik ng UNESCO, ang “ TULA, AWIT, DULA NI FRANK G.
RIVERA” kaugnay sa pagdiriwang ng ika-45 na taon ni Frank G. Rivera sa
teatro na gaganapin sa Emilio Aguinaldo College Theatre, Ermita, Lungsod
ng Manila sa Oktubre 18, 2013 (Biyernes) sa ika-3 ng hapon (Matinee) at
ika-7 ng gabi (Gala).
Isa rin itong benepisyong pagtatanghal na
naglalayong matulungan si Frank na ngayon ay dumaranas ng sakit na
kanser. Itinatampok sa pagtatanghal ang mga aktor ng tanghalang mga
kasapi ng Sining Kambayoka, CEU Dramatics Guild, Alab-Artistika,
Philstagers, Earthsavers- UNESCO Artists for Peace at A.C.T.I.O.N.
kabilang sina Liesl Batucan, Roeder, Alegria, Njel de Mesa, Vince
Tanada, Montet Acoymo, Shirley Halili Dance Group, Cynthia at Lionel
Juico, Jim Pebanco, Fray Paolo, Dang Elio, Wally Tuyan at Joel Lamangan,
Isagani Cruz at iba pang mga espesyal na sorpresa na pinangungunahan ng
Aliw Entertainer of the Year 2013, Dulce at Aliw Awardeee Entertainer
of the Year 2012 na si Lisa Macuja-Elizalde. Magsisilbing host sina
Cecile Guidote-Alvarez, Ramon Magsaysay Outstanding Asian Awardee at Dr.
Arthur P. Casanova, Metrobank Outstanding Teacher Awardee. Video ni CJ
Andaluz ng Pixel Media Arts at sa direksyon ni Joey Nombres.