Ang
Teatro Baguntao ay isang kapatirang pangteatro mula sa Mataas na
Paaralang Ateneo de Manila, na binubuo ng mga binatilyong naglalayong
makapagtaguyod ng Filipino at makapagdulot ng panlipunang kamularan sa
pamamagitan ng pagtatanghal ng iba’t ibang dula.
Ang tunay na bungang araw ay ang makakati at namumulang butlig na dulot ng pawis ng katawan at init ng araw. Ngunit para sa Teatro Baguntao, ang Bungang Araw ay ang taunang produksyon tuwing tag-araw. Ang pinakaunang Bungang Araw ay noong 2008, na pinamagatang "Kita Mo?," at sinundan ng "Bungang Araw II" (2010), "Muling Pagdanas" (2011), at "Panorama Apokaliptika" (2012). Noong nakalipas na dalawang Bungang Araw, nagtanghal ang Teatro Baguntao ng mga orihinal na dula tungkol sa mga alamat (2011) at sa katapusan ng mundo (2012).
Para sa kanilang ika-15 tagdula at ika-5 Bungang Araw, naghahanap ang Teatro Baguntao ng mga nais ipakita ang kanilang talento sa entablado. Magkakaroon ng open auditions para sa mga estudyanteng nasa mataas na paaralan at kolehiyo. Ito ay gaganapin sa ika-3 at ika-4 ng Mayo, mula alas-2 hanggang alas-4 ng hapon sa Second Year Wing ng Mataas na Paaralang Ateneo de Manila. (Second Year Wing, Ateneo de Manila High School, Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City) Dalhin lamang ang sarili at ang kakayahang magsalita nang matatas sa Filipino.

Contact Details:
For more details, please call Lino at (63 917) 579-1997 or e-mail: sa teatrobaguntao@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment