Ang
Teatro Baguntao ay isang kapatirang pangteatro mula sa Mataas na
Paaralang Ateneo de Manila, na binubuo ng mga binatilyong naglalayong
makapagtaguyod ng Filipino at makapagdulot ng panlipunang kamularan sa
pamamagitan ng pagtatanghal ng iba’t ibang dula.
Para sa pagsasara ng kanilang ika-14 na tagdula, itatanghal ng Teatro Baguntao ang isang klasiko ng Pambansang Alagad ng Sining na si Rolando S. Tinio. Ang May Katwiran Ang Katwiran, isinulat ni Tinio noong taong 1981, ay isa sa mga pinakamagandang dula na nasa anyong Brecht. Pinag-uusapan nito ang pagkakahati ng lipunan na makikita sa mga tauhang sina Senyor at Kasama.
Sa disenyo ng musika ni Sage Ilagan, isang mag-aaral sa Mataas na Paaralang Ateneo, at disenyo ng produksyon at direksyon ni G. Ronan Borja-Capinding, muling itatanghal ng Teatro Baguntao ang nasabing dula sa ika-12 hanggang ika-15 ng Marso, 2013, ganap na alas-7 ng gabi, sa Bulwagang Hayes, Mataas na Paaralang Ateneo de Manila. (Hayes Hall, Ateneo de Manila High School, Katipunan Ave., Loyola Heights, Quezon City)
Ang bawat tiket ay nagkakahalagang Php150 kada tao, ngunit kapag naka-grupo ng tigatlo, ito’y nagkakahalagang Php120 kada tao, at sa grupo naman ng lima, Php100 kada tao.

Contact Details:
Para sa karagdagang
impormasyon, maaaring tawagan o i-text si Stefano Aranas sa (63 917)
869-3402 o si Aric Mamonluk sa (63 917) 868-8033.
No comments:
Post a Comment